“Kung May Hirap May
Ginhawa”
Napakasaya ng aming grupo nang dumating kami sa lugar kung saan nakatakdang ganapin ang aming lakbay–aral. Pagkatapos ng konteng oras na pahinga ay iniutos na ng aming mga guro na palitan ang aming damit ng uniporme na pang-scout. Agad namin itong sinunod sapagkat sabik na sabik na kami na magsimula ang aktibiti. Mababakas sa aming mga mukha ang kasabikan lalo pa’t sinimulan namin sa pagkuha ng litrato na magkakasama kami.
Isa
pang dahilan kung bakit kami nasasabik, ay dahil sa bihira lamang mangyari ang
ganitong uri ng fieldtrip. Malawak ang sakop ng event na ito sapagkat ito yung tinatawag na National Robermoot.
Kung saan, nagbuhat pa sa napakalalayong lugar ang ibang partisipante ng
fieldtrip na ito. Narinig pa lamang namin ang salitang national ay may ideya na
agad kami na magiging sobrang saya ng event na ito.
Pagkatapos
naming maghanda ay ipinayo sa amin na lumabas na ng silid-aralan upang pumila
kasama ng iba pang mag-aaral. Syempre pa, hindi naman maaring matapos ang lakbay-aral
ng wala kaming nakikilalang bagong kaibigan. Kaya naman habang hindi pa
dumarating ang aming tagapagsalita ay sinulit muna namin ang konteng oras upang
makipagkilala sa ibang mag-aaral. Alam naman nating lahat na malaking kasiyahan
sa ating puso ang magkaroon ng mga kaibigan. Higit pa sa lahat, malaki din ang
naitulong ng mga bago naming kakilala sapagkat madami kaming napulot na aral
buhat sa mga kwentong kanilang ibinahagi sa amin.
Makaraan
ang ilang sandali ay pinaayos na kami ng
pila upang makapagsimula na ang tagapagsalita. Sa simula pa lamang ng event na
ito ay madami na kaming natutunan sa mga pananalitang binitiwan ng
tagapagsalita. Dito rin ay mas natutunan naming igalang at pahalagahan kung ano
at sino ang aming mga makakasama. Nakatulong ang mga paalalang ito kung paano
namin pakikitunguhan ang ibang mag-aaral na iba ang lenggwahe at tono ng
pagsasalita.
Hindi dahil sa ito’y trabaho sa aming paningin, ay hindi na kami
maaring sumaya. Ginawa namin lahat ng gawain na masaya at nakangiti kahit nasa
ilalim kami ng matinding sikat ng araw. Mahirap naman talaga ito kung iisipin
dahil bukod sa mabigat ang dalahin ay nakakahilo din ang pagbalikbalik para
humakot ng lupang pantambak. Kahit na tumutulo ang pawis sa aming mga mukha ay
hindi kami maaring tumigil sapagkat kailangan naming patunayan at panindigan na
isa kaming tunay na scout. Hindi kami nagpatalo sa hirap na aming dinanas dahil
mas nanalo sa aming mga puso ang kasiyahan. Kasiyahan na habang buhay naming
dadalahin sa aming mga puso na may isang lugar kaming natulungan upang
mapaganda, at ito ay sa Calaca,Batangas.
Alam
naman nating mga Pilipino na “kung may hirap ay may ginhawa”. Pagkatapos nga ng
lahat ng aming paghihirap ay hindi ipinagkait ng aming mga butihing guro na
makaranas naman kami ng kaginhawaan. Kaya matapos ang araw ng aming lakbay-aral
ay ginugol namin ang aming oras sa pamamasyal.
Dinala kami ng aming guro sa
simbahan ng San Rafael Church sa Calaca,Batangas. Itinuro niya sa amin kung ano
ang tawag sa mga santong nakatayo sa likod ng simbahang ito. Marami siyang
ibinahaging kwento tungkol sa simbahang ito. Hindi namin sinayang ang sandaling
panahon na nakapunta kami dito lalo pa’t ito ay aming unang pagkakataon. Sinabi
sa amin ng aming guro na kapag humiling kami sa santo ni Rafael ay matutupad
ang aming kahilingan. Kaya lahat kami ay taimtim na nagdasal dito bago kami
tumungo sa sunod na lugar kung saan nakatakda din ang aming pamamasyal.
Nahirapan
man kami sa unang bahagi ng lakbay-aral ay hindi pa rin namin masasabing boring. Sapagkat napawi ito sa tulong ng
aming mga paglalakbay sa ilang bahagi ng Calaca.